^

Probinsiya

Misis tinarakan, todas

- Ni Christina Timbang -

CAVITE, Philippines  – Dalawampu’t siyam na saksak ang tumapos sa buhay ng isang ginang matapos itong pagsasaksakin ng hindi pa nakilalang salarin sa Barangay 36, Caridad, Cavite City.

Sa ulat ni Cavite Police spokesman Supt. Jerry V Protacio ang biktima ay nakilalang si Glenda Mejilla, 46 taong gulang, may asawa at residente ng Bagong Purok Calumpang ng nasabing lugar habang hindi naman nakilala ang suspek na mabilis na tumakas tangay ang patalim na ginamit sa krimen.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Rodel Noo Buitizon, may hawak ng kaso dakong alas 4:30 ng madaling araw, kahapon ng matagpuan ang nakahandusay na bangkay ng biktima sa tabing kalsada ng nasabing lugar.

Nagulantang umano ang mister ng biktima na si Ricky Mejilla, ng matagpuan ang duguang bangkay ng kaniyang misis na idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan sa tinamong 29 saksak. Iniimbestigahan pa ang kasong ito.

vuukle comment

BAGONG PUROK CALUMPANG

BATAY

CARIDAD

CAVITE CITY

CAVITE POLICE

DALAWAMPU

GLENDA MEJILLA

JERRY V PROTACIO

RICKY MEJILLA

RODEL NOO BUITIZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with