Bike rider dedo sa van

ZAMBALES, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa bike rider matapos masalpok ng van sa kahabaan ng highway sa Barangay Sto. Niño sa bayan ng Cabangan, Zambales noong Linggo ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt Francisco DB. Santiago Jr. provincial PNP director, nakilala ang nasawi na si Mark Joseph F. Doria, 23, ng Barangay Manglicmot, San Felipe, Zambales habang malubha naman si Alyssa A. Abayo, 19, ng Barangay Longos, Cabangan, Zambales na naisugod sa Pres. Ramon Magsaysay Hospital sa bayan ng Iba. Ayon kay P/Senior Insp. Jose Arca, magkaangkas sa motorsiklo  (CBR150) sina Doria at Abayo nang mawalan ng control kaya nasalpok ng van (ZTH329) ni Christopher Pamitangco, 36, ng Barangay Lauis, Candelaria, Zambales. 

Show comments