Ex-barangay chairman nilikida

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Napatay ang dating barangay chairman matapos ratratin ng riding-in-tandem sa Ba­rangay Legleg sa bayan ng Bacnotan, La Union kamakalawa. Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan si ex- Chairman Romulo Delmendo ng Barangay Arosip sa nasabing bayan. Nabatid na pauwi na ang biktimang sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin ng nakamotorsiklong lalaki. Nakatakbo pa ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigan upang humingi ng tulong subalit nalagutan na ng hininga bago pa makarating sa ospital. Nananatili pa ring blanko ang pulisya sa motibo ng pamamaslang.

Show comments