6 dakma sa illegal fishing

CAMARINES NORTE, Philippines  - Kalaboso ang binagsakan ng anim na kalalakihan matapos maaktuhan ng mga awtoridad sa iligal na pangingisda sa karagatang bahagi ng Barangay Pambuhan sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kamakalawa ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Walter Torquator, 45, piloto ng F/B Princess Nicole; Jonathan Magistrado,  29; Amador Gomez, 23; Marlon Torquator, 30; Roberto Vivencio, 44; at si Dante Reyes, 43, pawang mga nakatira sa bayan ng Cabusao, Camarines Sur.  Sa ulat ni P/Chief. Insp. Pio Rafer, inireklamo ang mga suspek kaugnay sa illegal na pangingisda kung saan naapektuhan ang maliliit na isda.

Show comments