Kawani ng crematorium nilikida

CAVITE, Philippines  – Napatay ang 40-anyos na kawani ng pampublikong crematorium matapos ratratin ng di-kilalang lalaki sa loob ng sementeryo sa Cavite City, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya  ang napaslang na si Anselmo Lapan, may-asawa, kawani ng Cavite City Public Crematorium at nakatira sa Bagong Pook, Barangay 48-A San Antonio, Cavite City. Sa ulat ni PO2 Jonathan Baclan, lumilitaw na nakikipag-inuman ang biktima sa security guard na si Joselito De Guzman nang dumating ang isang kliyente at nagtatanong ng halaga ng pag-cremate. Agad na tumayo ang sekyu at hinarap ang nasabing kliyente na lumabas ng opisina subalit sumalisi ang gunman kung saan naisagawa ang pamamaril sa biktima.

Show comments