Army Corporal todas sa NPA

MANILA, Philippines - Isang sundalo na miyembro ng Peace and Development Team ang iniulat na niratrat at napatay ng mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng Barangay New Tubigon sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Army’s 4th Infantry Division spokesman Major Eugenio Julio Osias IV ang biktima na si Cpl Rio Ecobiza. Bandang alas-3:30 ng hapon nang pagbabarilin ang tropa ng Peace and Development Platoon ng Army’s 26th Infantry Battalion habang abala ang grupo sa pagsasaayos ng proyekto bilang tulong sa mga residente. Kinondena naman ni Army’s 4th Infantry Division Chief Major Gen. Victor Felix ang insidente dahil wala sa combat operation ang grupo ng mga sundalo at abala sa pagtulong sa komunidad.

Show comments