^

Probinsiya

Negosyanteng Pinoy-Swedish itinumba

- Nina Malu Manar at Joy Cantos -

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Napaslang ang negosyanteng Pinoy-Swedish makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa talipapa sa Villamarzo Street sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng umaga.

Napuruhan sa ulo at dibdib ang biktimang si Patrick Weneger na may-ari ng rubber plantation at sinasabing confidential agent ng Phil. Army sa North Cotabato.

Ayon sa ulat, niratrat si Weneger habang namimili ng gulay bandang alas-7:45 ng umaga.

Maging ang baril ng biktima na nakasukbit pa sa baywang at pitaka ay tina­ngay ng apat na kalalakihan na lulan ng dalawang motorsiklo.

Napag-alamang pinagsabihan pa ng isa sa mga gunmen ang tindero ng gulay na manahimik para ‘di madamay.

Itinaon ang pamamaslang sa biktima sa kaarawan ng isa sa kanyang mga anak habang patuloy naman ang imbestigasyon.

AYON ITINAON KIDAPAWAN CITY NAPAG NAPASLANG NAPURUHAN NORTH COTABATO PATRICK WENEGER PINOY-SWEDISH VILLAMARZO STREET
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with