Police detachment ni-raid ng NPA rebels

TUGUEGARAO CITY ,Philippines  – Sinalakay ng mga armadong rebelde ang isang detachment ng pulisya at dinisarmahan ang mga nagbabantay ritong pulis sa Brgy. Labben, Allacapan, Cagayan kamakalawa ng gabi.

Kasabay ng insidente ay nilusob rin ng mga rebelde ang isang sawmill sa Jones, Isabela kung saan mahigit P100 M ang naabong mga heavy equipments.

Ayon kay Cagayan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Mao Aplasca, nasorpresa sa pagsalakay ng mga armadong rebelde ang mga bantay sa detachment ng Regio­nal Public Safety Battalion (RPSB) sa nasabing lugar.

Kabilang naman sa natangay ng mga rebelde ay apat na M16 rifles at isang cal. 45 pistol.

Naglunsad na ng hot pursuit operations ang mga awtoridad laban sa sumalakay na mga rebelde.

Show comments