Magka-live-in tiklo sa droga

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagskan ng magka-live-in matapos maarersto sa inilatag ng buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Makinabang sa bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Edna Sampoang, 43; at Randy Mauricio, 28. Sa ulat ni P/Supt. Rizalino Andaya, narekober ng pulisya ang 16-plastic sachet na shabu, patalim, drug paraphernalias at mark money na ginamit sa operasyon.

Show comments