^

Probinsiya

Karnaper dedo sa shootout

- Ni Boy Cruz -

PLARIDEL, Bulacan, Philippines – Patay ang isa sa dalawang lalaki na nangarnap ng motorsiklo sa isang lugar dito kagabi kung saan narekober din ang sasakyan at isang baril.

Kasalukuyan pang bineberipika ang pagkakakilanlan ng nasawing suspect dahil sa kawalan nito ng I.D. sa kanyang katawan ngunit inilalarawan na lamang ito sa pagitan ng 28-32 anyos, 5’2”-5’5” ang taas, may tattoo sa braso, nakasuot ng stripes na pantalon at t-shirt at balingkinitan ang pangangatawan.

Sa ulat na isinumite kay Provincial Director P/Sr.Supt. Fernando Mendez Jr. ni P/Supt. Albert Ocon dakong alas 10:20 kagabi habang papalabas ng gate ng isang subdivision sa Brgy. Tabang, Plaridel ang biktimang si Sheldon Veron 42, ng Brgy. Sto. Niño sa bayan ding ito ay bigla siyang hinarang ng dalawang suspek at agad na tinutukan ng baril saka pwersahang kinuha ang pag-aari nitong motorsiklong Yamaha Mio ( 8481-RO ) at sinakyan ng nasawing suspek habang sumakay naman sa isa pang motorsiklong Kawasaki Bajaj na walang plaka ang kasama nito.

Agad na humingi ng tulong ang biktima sa pulisya na mabilis namang inalarma ang iba’t ibang barangay maging sa karatig bayan at habang nagsasagawa ng visibility patrol ang Plaridel PNP, kasama sina Barangay Chairman Atilano Garcia at mga tanod nito sa isang madilim na bahagi ng Barangay San Jose sa bayan ding ito ay namataan ang paparating na dalawang motorsiklo na tumutugma sa iniulat ng biktima saka pinatigil ito.

Nagawang paputukan pa ng nasawing suspek ang mobile patrol ng pulisya habang tumatakas na naging dahilan upang gumanti ang mga awtoridad na nagresulta sa kanyang kamatayan habang nakatakas naman ang isa pang kasamahan nito.

Narekober din sa pinangyarihan ng krimen ang ninakaw na motorsiklo at isang .38 revolver na baril na ginamit ng suspek habang kinilala din ng biktima ang suspek na siyang tumutok sa kanya at umagaw ng sasakyan.

vuukle comment

ALBERT OCON

BARANGAY CHAIRMAN ATILANO GARCIA

BARANGAY SAN JOSE

BRGY

FERNANDO MENDEZ JR.

KAWASAKI BAJAJ

PLARIDEL

PROVINCIAL DIRECTOR P

SHELDON VERON

YAMAHA MIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with