^

Probinsiya

Lalaki nakuryente sa parol

- Ni Randy Datu -

SUBIC, ZAMBALES, Philippines – Luksa ang pagsalubong sa Kapaskuhan ng isang 45 anyos na mister matapos na makuryente habang ikinakabit ang isang parol sa poste kamakalawa ng gabi sa bayang ito. Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Reynaldo Javier, residente ng Asinan Proper, Subic, Zambales. Sa panayam kay Philip Samo ng Ramos Vulcanizing Shop sa Barangay Wawandue, nakita niyang umakyat ng poste ng kuryente si Javier dakong ika-6:00 ng gabi gamit ang isang hagdan upang ikabit ang isang parol na may Christmas light, ang pinakahuling piraso na ikakabit sana nito. Isang linya ng kuryente umano na nakakabit sa gawing itaas ng poste ang pinutol ni Javier. Makaraan, bumaba si Javier at pinutol ang linya ng ‘ground’ at saka doon ikinabit ang linya ng Christmas light ng parol at ng muli itong umakyat ay hinawakan ang kawad bunsod upang makuryente ito. Nagkikisay ang biktima na nahulog sa poste na bumagsak na una ang ulo sa sementadong kalsada.

vuukle comment

ASINAN PROPER

BARANGAY WAWANDUE

ISANG

JAVIER

KAPASKUHAN

KINILALA

LUKSA

PHILIP SAMO

RAMOS VULCANIZING SHOP

REYNALDO JAVIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with