^

Probinsiya

Duwelo sa kalsada: 1 dedo, 3 sugatan

- Eva Visperas, Joy Cantos -

SAN FABIAN, Pangasinan  ,Philippines — Bulagta ang isang miyembro ng Bahala na Gang na sinasabing naaktuhang nagnanakaw makaraang makipagbarilan sa barangay chairman sa gilid ng highway sa Barangay Tiblong sa bayan ng San Fabian, Pangasinan noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni P/Insp.Ferdinand Lopez, deputy policed chief ang napatay na si Virgilio Mina na nakipagbarilan kay Chairman Raul Abaoag, 46.

Lumilitaw na naaktuhan ni Abaoag sa kanyang tahanan si Mina na kinukulimbat ang ilang personal na gamit.

Nang mamataan ni Mi­na ang paparating na si Abaoag ay kumaripas ito ng takbo bitbit ang mga ninakaw na gamit subalit hinabol siya ng kabesa kung saan humantong sa barilan sa gilid ng highway.

Tinamaan ng ligaw na bala si Joven Baliba na lulan ng pampasaherong bus na pansamantalang humimpil sa nasabing lugar.

Naisugod sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City ang mga sugatang sina Abaoag, Baliba at Mina subalit minalas na masawi ang huli.

Ayon pa sa pulisya, bago mamatay si Mina sa ospital ay naibigay pa nito ang mga address ng kamag-anak sa Catbalogan, Samar, Quezon City at sa bayan ng Dasol, Pangasinan.

Narekober ng pulisya kay Mina ang tatlong cellu­lar phones, ilang piraso ng alahas at baril na ginamit sa pakikipagbarilan kay Abaoag.

Samantala, bineberipika ng pulisya kung lisensyado ang baril na ginamit ni Abaoag.

vuukle comment

ABAOAG

BARANGAY TIBLONG

CHAIRMAN RAUL ABAOAG

DAGUPAN CITY

FERDINAND LOPEZ

JOVEN BALIBA

MEDICAL CENTER

PANGASINAN

QUEZON CITY

SAN FABIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with