^

Probinsiya

Paslit, todas sa road mishap

- Ni Mer Layson -

Rizal  ,Philippines - Patay ang isang 7-anyos na batang lalaki habang sugatan ang ina at kapatid nito nang araruhin ng isang van na minamaneho ng isang Koreano sa bayan ng Angono, Rizal kamakalawa.

Ang nasawi ay nakilalang si Ace Briones, residente ng Purok 3, Zone 1, Barangay Mahabang Parang, Angono at isinugod naman sa pagamutan ang ina at kapatid ni Briones na si Leonisa, 35, at Jojo Albis.

Arestado naman ang suspek na si Choe Tae Han, 36, isang Koreano at pansa­mantalang nanunuluyan sa #915 Asia Wealth Town, Pasay City.

Batay sa ulat na nakara­ting sa tanggapan ni Angono chief of Police P/Supt. Ruel Vacaro, nabatid na dakong alas-4 ng hapon habang naglalakad ang mag-iina sa kahabaan ng M.L. Quezon Avenue, Barangay Mahabang Parang, Angono, Rizal nang mabundol ng Sta­rex van (ZFE-836) ni Han.

Ang dayuhan ay nahaharap na sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and serious physical injuries.

vuukle comment

ACE BRIONES

ANGONO

ASIA WEALTH TOWN

BARANGAY MAHABANG PARANG

CHOE TAE HAN

JOJO ALBIS

KOREANO

PASAY CITY

POLICE P

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with