Explosion: parak sugatan

MANILA, Philippines - Isang pulis ang nasugatan makaraang sumambulat ang bomba na itinanim sa kahabaan ng highway ng Sinsuat Avenue, Cotabato City kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na  si PO3 Jose Gornes, miyembro ng Police Station 3 ng Cotabato City Police, nagtamo ng sugat sa hita habang dumaraan sa lugar. Ayon kay Directorate for Integrated Police Operations-Western Mindanao Chief P/Director Felicisimo Khu, naganap ang pagsabog ng bomba sa kahabaan ng Sinsuat Avenue malapit sa konkretong bakod ng Sideout Badminton Court ng lungsod dakong alas-9:30 ng umaga. Agad namang nagresponde sa lugar ang mga elemento ng Explosives and Ordnance Division (EOD) at Scene of the Crime Operatives (SOCO) team at natukoy na claymore mine ang ginamit sa pagpapasabog. Magugunita na noong Setyembre 20 ay dalawang claymore mine ang narekober ng mga awtoridad sa highway ng Brgy. Pigkalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Show comments