Trike driver nagbigti

CAMARINES NORTE ,Philippines  – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang traysikel driver na pinaniniwalaang may matinding problema sa pamilya matapos itong magbigti sa dulong bahagi ng Bagasbas Airport runway sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamaka­lawa ng hapon. Bandang alas-4 ng hapon nang ma­tagpuan ang nakabiting katawan ni Marcial Montuya ng Libertad Street, Pasay City at tubong Barangay Bagasbas. Ayon kay SPO1 Ismael Uminga, huling namataang buhay ang biktima na nagbakasyon sa kanyang utol sa nasabing bayan mula sa pamamasada ng traysikel sa Pasay City.

Show comments