^

Probinsiya

4 minasaker ng naburyong na bf

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Malagim ang sinapit na kamatayan ng apat na magkakamag-anak matapos na palakulin at pagsasaksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng naburyong na boyfriend ng isa sa mga biktima sa bayan ng Kumalarang, Zamboanga del Sur kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni Sr. Supt. Bayani Gucela, Provincial Police Office (PPO) Director ng Zamboanga del Sur ang mga nasawing biktima na sina Elizabeth Ybanes, 58; Caren Andohon, 23; John Ryan Silario, 4 at Cherry Saquilabon.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Vincent Pena na natukoy dahilan ito ang huling nakitang kumakaripas ng takbo mula sa bahay ng mga biktima. Sinabi ni Gucela, naganap ang insidente sa Purok 6, Brgy. Bogayo, Kumalarang, Zambonga del Sur bandang alas-2 ng madaling araw.

Lumilitaw sa imbestigasyon na ikinagalit ni Peña ang natuklasan nito na nakikipagrelasyon umano ang girlfriend na si Caren sa isang tomboy na siyang motibo ng krimen.

Kasalukuyang mahimbing na natutulog ang mga biktima na magkakapamilya nang pasukin ng suspek na armado ng palakol at 8 pulgadang bagong hasang kutsilyo.

Pinagpapalakol ng suspek ang mga biktima partikular na sa bahagi ng ulo habang pinagsasaksak rin upang tiyakin na hindi na mabubuhay pa.

vuukle comment

BAYANI GUCELA

CAREN ANDOHON

CHERRY SAQUILABON

ELIZABETH YBANES

JOHN RYAN SILARIO

KUMALARANG

PROVINCIAL POLICE

SR. SUPT

VINCENT PENA

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with