^

Probinsiya

76-anyos initak, pinalo ng plantsa

- Ni Alex Galang -

OLONGAPO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang naging inutil ang PNP sa Olongapo City na maresolba ang naganap na krimen laban sa isang 76-anyos na lola na sinasabing nakikipaglaban kay kamatayan matapos na pagtatagain ay pinalo pa ng plansta sa ulo ng isang miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Baret­to, Olongapo City noong Sabado ng madaling-araw. Kasalukuyang nasa intensive care unit ng Our Lady of Lourdes International Hospital ang biktimang si Rosita Ramirez dahil sa matitinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naganap ang krimen matapos maaktuhan ng biktima ang naka-bonnet na lalaki na nagnanakaw sa loob ng kanilang bahay.

Nagawa naman magpatay-patayan ng biktima kaya iniwan na lamang ngkawatan kung saan nakatawag naman ng pansin sa insidente ang isa sa anak ni Ramirez.

Tinangka naman itago ng presinto 6 ang mga detalye sa mga mamamahayag sa hindi nabatid na dahilan subalit sumingaw din sa publiko.

Ikinatwiran naman ni P/Insp. Gerald Fernandez na pinagbawalan sila ng bagong talagang director ng PNP na magbigay ang anumang detalye sa nagaganap na krimen sa Olongapo City.

Tumanggi naman humarap sa mga mamamahayag ang bagong talagang police director sa nasabing lungsod kaugnay sa nasabing isyu.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY BARET

GERALD FERNANDEZ

IKINATWIRAN

KASALUKUYANG

NAGANAP

NAGAWA

OLONGAPO CITY

OUR LADY OF LOURDES INTERNATIONAL HOSPITAL

ROSITA RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with