4 kawatan ng kable dinakma

BULACAN, Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng apat na kalalakihan matapos maaktuhang ng mga barangay tanod na dinudugas ang ilang metro ng kable sa poste ng telecommunication sa kahabaan ng Maha­lika Highway sa Barangay Sacdalan sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamaka­lawa ng hapon. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr., kinilala ang mga suspek na sina Rocky Abillano, 24, ng Brgy. San Roque, Gapan, Nueva Ecija; Aries Paguigan, 29; Marlon Avillanosa, 29, kapwa nakatira sa Brgy. Bulualto; at si Jay-Ar Santiago, 23, ng Brgy. Lambakin.

Ayon kay P/Supt. Marcos Rivero, narekober sa mga suspek ang 50 metro ng kable, 2 bolt cutter, mahabang lubid, mga gamit at traysikel na walang plaka.

Show comments