Sundalo ng Peace Keeping Force itinumba

LEGAZPI CITY, Albay ,Philippines  — Kamatayan ang sumalubong sa isang sundalo ng Peace Keeping Force makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army habang naghahatid ng pera para sa kanyang pamilya kahapon ng umaga sa harapan ng basketball court sa Barangay Alobo sa bayan ng Daraga, Albay.

Kinilala ang napaslang na si Pfc. Leo Salcedo ng 83rd Infantry Battalion ng Phil. Army IB ng Phil Army at nakatalaga bilang bahagi ng Peace Keeping Force sa konstraksyon ng Southern Luzon International Airport sa nabanggit na bayan.

Lumilitaw na lulan ng motorsiklo ang biktima patungo sa Barangay Poblacion mula sa kampo sa Sitio Sto. Cristo, Barangay Naga sa bayan ng Tiwi para mag-remit ng pera sa banko sa kanyang pamilya nang makasalubong si kamatayan.

Tinangay ng mga rebelde ang cell phone at P10,000 cash na ipadadala sana ng biktima sa kanyang pamilya.

Napag-alamang Itinaon ang pananambang sa pagdiriwang ng International Humanitarian Law Day.

Show comments