Ex-pulis tiklo sa pagpatay sa trader

ILAGAN, Isabela, Philippines – Nadakma ng mga operatiba ng pulisya ang dating pulis na isinasangkot sa brutal na pagpatay sa isang negosyanteng Bumbay sa Barangay Bliss sa bayan ng Ilagan, Isabela noong September 2010. Kinilala ang suspek na si ex-PO2 Jerald Tamani, dating nakatalaga sa Regional Mobile Group at nakatira sa Barangay Aniag sa bayan ng Angadanan. Ayon kay P/Senior Supt. Jimmy Rivera, Isabela PNP director, si Tamani na sinasabing nag-AWOL noong Enero 2009 ay isa sa pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay kay Subash Chader noong September 23, 2010 sa nasabing barangay. Si Tamani ay nadakma noong Sabado ng gabi sa Barangay Aniag sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Bonifacio Ong ng Regional Trial Court sa kasong murder. Raymund Catindig at Victor Martin

Show comments