Hepe sinibak
CAMARINES NORTE, Philippines — Sinibak ang hepe ng pulisya sa bayan ng Jose Panganiban sa lalawigang ito matapos magsagupa ang 2 security agency kung saan 1 ang nasawi sa isang minahan dito. Sinabi ni Sr. Supt. Antonio Gardional, Provincial director ng PNP dito, ang sinibak niya sa puwesto ay si Sr./Insp. Ariel Bendal at inilagay niya kapalit nito si Sen. Insp. Jayson Rey Colico. Nasibak ang hepe bunga ng ginawang paglusob ng 27 armadong sekyu umano ng Junmar Security agency sa loob ng Investwell mining company sa Sityo Dawahan Barangay Nakalaya noong July 10 bandang alas-3 ng madaling- araw. Napatay dito ang isang security guard ng Jack Security Agency na si Ranel Evangelista.
- Latest
- Trending