^

Probinsiya

Magsasaka, mangingisda itinumba

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na napaslang sa magkahiwalay na karahasan sa dalawang bayan sa lalawigan ng Masbate kamakalawa. Si Virgilio Alto, 48, magsasaka ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army habang papalabas sa kanyang bahay sa Barangay Bonbon sa bayan ng Milagros, Masbate. Samantala, si Rodel Abacano, 41, mangingisda, ay pinagsasaksak ng kanyang kabarong mangingisda na si Allan Laurio, 34, sa dalampasigan ng Barangay Guindahap sa bayan ng Monreal. Ayon sa pulisya, nainsulto at napikon ang suspek na sinasabing nasagi ng lubid ng angkla ang kanyang bangka kung saan pinagtawanan naman ng biktima. Nabatid na hinamon ng suntukan ng suspek ang biktima subalit hindi nito pinatulan kaya naganap ang pananaksak.

vuukle comment

ALLAN LAURIO

AYON

BARANGAY BONBON

BARANGAY GUINDAHAP

DALAWA

LEGAZPI CITY

MASBATE

MILAGROS

NEW PEOPLE

RODEL ABACANO

SI VIRGILIO ALTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with