Bank holdap: P.6-M limas

BATANGAS, Philippines  – Umaabot sa P.6 milyon ang nata­ngay mula sa rural bank sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas matapos na holdapin ng mga armadong kalalakihan kahapon ng tanghali.

Ayon kay P/Supt. Nilo Maitim, hepe ng Sto. Tomas PNP, matapos matangay ang malaking halaga at mga ari-arian ng mga biktima, ikinulong pa ang mga kawani sa loob ng vault ng Rural Bank of Lobo sa Barangay 4 Poblacion. 

Kinilala ang mga kawani na sina Renato Lubid, bank manager; Catherine Salubre, cashier; Michelle Villaflores at Nancy Lucero, bookkeepers; Efren Basila, security guard; Diory Gravino, bank collector at ang mga depositor na sina Angelina Gonzaga at manugang nitong si Kristel Medel.

Sa inisyal na imbestigasyon, dumating ang apat na armadong kalalakihan sakay ng kulay sky blue na Hyundai Grace van at mabilis na nadisarmahan ang guwardiya ng banko at utusan lahat ng tao sa banko na yumuko at umiwas na tumingin.

Suwerte namang naipuslit ng customer ang kanyang cell phone na ginamit para makahingi ng tulong sa pulisya.

Nabuksan lamang ang vault ng banko nang duma­ting ang opisyal ng Rural Bank of Lobo mula sa kanilang main office sa Lipa City.

Show comments