Van vs kuliglig: 3 dedo, 7 grabe

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines - Tatlo-katao ang kumpirmadong nasawi habang pitong iba pa ang malubhang nasugatan matapos araruhin ng van ang isang kuliglig sa bayan ng Amulong, Caga­yan kahapon ng umaga. Dalawa sa tatlong nasawi ay nakilalang sina Venerando Malamug, 50; at Christian Paguila, 3; kapwa lulan ng kuliglig (hand tractor) na nakaparada sa tabi ng highway sa Barangay Baculud. Sugatan naman sina Domingo Dilia, driver ng van; anak na si Divina, 25; kapwa nakatira sa Antipolo City, Rizal, Nicanor Suguitan, Rey Paguila, Arnel Canceja, Walter Galzote at si Ashley Paguila na pawang nakatira sa Amulong at pawang lulan ng kuliglig. Ayon ulat, nawalan ng kontrol sa manibela si Dilia matapos sumabog ang gulong ng van kaya sinalpok ang nakaparadang kuliglig sa gilid ng kalsada.

Show comments