Ex-vice mayor, misis sugatan sa ambush

MANILA, Philippines - Isang dating bise alkalde sa bayan ng Lingayen at misis nitong brgy. chairwoman ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Canaoalan, Binmaley, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang sugatang mag-asawang sina da­ting Vice Mayor Ramon Arcinue at misis nitong si Zorayda Arcinue; brgy. chairwoman sa Poblacion Sur sa kanilang bayan sa Lingayen.

Batay sa ulat na nakara­ting kahapon sa Camp Crame naganap ang insidente habang lulan ang mag-asawa ng kanilang behikulo pauwi na sa kanilang tahanan ng pagbabarilin ng mga suspek sa highway ng naturang lugar dakong alas-6:30 ng gabi.

Ayon sa pulisya, nag-overtake ang motorsiklong sinasakyan ng mga suspect na   nakasuot ng helmet sa sasakyan ng mag-asawa kung saan ay agad na pinagbabaril ang mga biktima.

Samantala, naglaan na ng P500,000 reward ang Police Provincial Office para sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng mga suspek.

Show comments