10-anyos dedo sa flashflood

LUCENA CITY, Quezon, Philippines  — Isang 10-anyos na batang babae ang iniulat na namatay habang dalawang iba pa ang nawawala matapos na tangayin ng flashflood ang apat na kabahayan sa Barangay Sangirin, sa bayan ng Perez, Quezon kahapon ng madaling-araw. Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Dr. Henry Buzar, Quezon Civil Defense Coordinator ng QDRRMC, nakilala ang namatay na si Ynah Mustera habang patuloy ang search and retrieval operation sa dalawang nawawala na sina Nora Mustera, 48 at Jonathan Florez, 6. Nabatid na binayo ng malalakas na ulan ang nasabing bayan kung saan tumagal ng anim na oras kaya umapaw ang Sangirin River. Dito na tinangay ang apat na kabahayan. Inilikas naman sa day care center ang mga residenteng apektado ng pagbaha.

Show comments