2 nagpatayan sa inuman

CAVITE, Philippines — Dalawang mangingisda na pinaniniwalaang lango sa alak ang iniulat na napaslang makaraang magsaksakan habang nakikipag-inuman kamakalawa ng gabi sa Barangay Longos, Tabing Dagat sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang nagpatayan na sina Antonio Castillo, 35; at Romeo Ramirez, kapwa mangingisda sa nabanggit na barangay. Samantalang tugis naman ng pulisya ang isa pa kainumang na nakilala sa alyas Tonying na sangkot din sa pananaksak. Lumilitaw sa police report, na nagkapikunan ang tatlo habang umiinom ng alak na nauwi sa kaguluhan at pamamaslang.

Show comments