Abusadong barangay secretary huli

TAYTAY, RIZAL, Philippines — Dahilan sa pagkubkob sa multi-purpose hall ng barangay at pagmumura sa mga pulis na namagitan sa kaguluhan, inaresto ang isang umabusong Brgy. Secretary sa bayang ito kamakalawa. Kinilala ang naaresto na si Danilo Paz,  69, may-asawa, secretary  ng Brgy. Sta. Ana, Taytay; na ipinagharap ng reklamo nina Melinda Barros,  51, at Norma Recome, 63, na pawang caretaker ng Multi Purpose Hall na nasa Purok 1, Sitio Tapayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-3:45 ng hapon ng puwersang pasukin at kubkubin ng suspek ang Multi Purpose Hall na pag-aari ng pamahalaang bayan kasama ang mga tagasuporta nito sa pamamagitan ng pagsira sa kandado ng tanggapan. Samantalang pinagmumura rin nito ang mga nagrespondeng elemento ng pulisya bunsod upang arestuhin ito.

Show comments