Party niratrat: 1 todas, 3 sugatan

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Napaslang ang isang lalaki habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos lusubin at pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kala­lakihan ang pagdiriwang ng kasiyahan sa bahay ng da­ting barangay chairman kamakalawa ng gabi sa bayan ng Buguey, Cagayan.

Ayon kay P/Senior Supt. Mao Aplasca, Cagayan police director, namatay si Danilo Ugali, habang su­gatan naman sina Joel Cariño at ang mag-asawang Banny Basal at Irene Basal.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi noong Lunes habang nagkakasiyahan ang grupo sa ta­hanan ni dating Chairman Manuel ng Barangay Villa Gracia nang ratratin.

Napag-alaman na sina Basal at Cariño ay dating mga opisyal ng barangay sa Villa Gracia.

“As of now, we still have no suspects, nor can we identify any motive for the killing,” pahayag ni P/Chief Inspector Emil Pajarito, hepe ng Buguey police office.

Show comments