^

Probinsiya

Amo target nakawan kaya pinatay

- Ni Boy Cruz -

STA. MARIA, Bulacan , Philippines —Mariing pinabulaanan ng pamilya ng napatay na negosyante na kapatid ng dating mayor sa bayang ito ang angu­long paghihiganti ang na­ging motibo upang paslangin ang una ng sariling tauhan.

Una ng napaulat sa pa­ha­­yagang ito na kung kaya sinaksak ng labingsiyam na beses ang biktimang si Alejandro Mateo 41, negosyante, bunsong kapatid ni ex-Mayor Jesus Mateo ay pinukpok niya ng de-lata sa ulo ang suspek na si Allan Parcon 18, helper ng biktima sa loob ng kanilang tindahan sa Brgy. Poblacion sa bayang ito kamakalawa ng hapon base sa ginawang panayam sa suspek.

 Ayon naman sa testimonya ng naging saksi sa pangyayari na si Cecilia Fernandez, 28, residente ng Brgy. Sta. Clara bago naga­nap ang insidente ay nakarinig siya ng malakas na sigaw ng isang lalaki at ng puntahan niya ay nakita niya ang suspek na patuloy na sinasaksak ang biktima saka mabilis na tumakas ngunit agad ding nasakote ito ng mga nagmamalasakit na residente.

 Napagalaman din na ang suspek ay may ilang araw pa lamang naninilbihan bilang helper sa Arms Grocery Store na matatagpuan sa Brgy.Poblacion na pag-aari ng biktima at nirekomenda lamang ito ng isa pang helper na hindi na hiningan ng kaukulang dokumento sa kanyang pagkakakilanlan.

 Pinaniniwalaang natunugan ng suspek na may naka­tagong malaking halaga ng pera sa ikatlong palapag ng gusali kung kaya tinangkang niyang nakawin ito ngunit nakita siya ng biktima saka ginawa ang pamamaslang. 

vuukle comment

ALEJANDRO MATEO

ALLAN PARCON

ARMS GROCERY STORE

AYON

BRGY

BULACAN

CECILIA FERNANDEZ

CLARA

MAYOR JESUS MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with