Paninigarilyo bawal na sa Nueva Vizcaya

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Mahigpit na ipi­nagbabawal ngayon ng pa­ma­halaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya ang pa­ninigarilyo matapos um­pi­sahang ipatupad kahapon ang paghuli sa mga naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Governor Luisa Lloren Cuaresma, wala umanong sini-sino ang ‘Smoke Free Nueva Vizcaya Ordinance‘ kung saan maging gobernador o bise-gobernador ay ma­aring hulihin ng mga task force na inatasang manghuli sa sinumang lalabag sa bagong ordinansa.

“Ang Smoke Free Ordinance ng Nueva Vizcaya ang kauna-unahang Ordi­nansa sa buong Pilipinas na magpapatupad ng pag­babawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, kung kaya’t walang exempt­ed sa batas na ito,” pahayag ni Cuaresma.

Ang nasabing Task Force ay binubuo ng iba’t ibang ahensiya ng gob­yerno, academe, religious sector at ang pambansang pulisya sa pangunguna ni P/Sr. Supt. Elmer Beltejar, Police provincial director ng lalawigang ito.

Nauna rito ay ibinunyag ni three term Board Member Edu Balgos na siyang may-akda sa nasabing ordinansa, ang pag-angal ng isang sikat na kumpanya ng sigarilyo nang malaman ang ordinasang ipinasa sa lalawigan.

Ang sinuman na mahuli na naninigarilyo sa mga pampublikong lugar ay pagmumultahin ng halagang P1,500 sa unang pagkakataon, P2,500 sa ikalawang pagka-huli at P5,000 na may kasamang pagkakulong para naman sa ikatlong paglabag.

Show comments