^

Probinsiya

Encounter: 1 NPA patay

-

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang  miyembro ng New Peoples Army (NPA) habang nasa kritikal na kondisyon naman ang isang opisyal ng  Philippine Army matapos ang engkuwentro sa pagitan ng magkabilang puwersa sa  lalawigan ng Masbate ka­­hapon ng umaga.

Ayon kay Army Chief Lt. Gen. Arthur Ortiz, dakong alas-6 ng umaga ng maka­sa­gupa ng tropa ng mga sun­dalo ang grupo ng mga rebelde sa bisinidad ng Sitio Hanlas, Brgy. Pina, San Fer­nando, Masbate.

Sinabi ng opisyal na nagsagawa ng combat strike operation ang mga tauhan ng 9th IB at 93rd Reconnaisance Company ng nakasagupa ang naturang mga rebelde.

Isang hindi pa nakikilalang NPA ang napaslang sa mahigit 20 minutong sagupaan bago nauwi ito sa isang running gun battle na malubha namang ikinasugat ni 1st Lt. Michael Morales, lider ng team mula sa 9th IB na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan. Patuloy ang hot pursuit operations sa may 20 rebelde.

Nabawi rin sa pinangya­rihan ng sagupaan ang isang M-16 armalite rifle at isang cal. 45 pistol. Ed Casulla/ Joy Cantos )

vuukle comment

ARMY CHIEF LT

ARTHUR ORTIZ

ED CASULLA

JOY CANTOS

MASBATE

MICHAEL MORALES

NEW PEOPLES ARMY

PHILIPPINE ARMY

SAN FER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with