2 konsehal nagbarilan

MANILA, Philippines - Kapwa nakikipaglaban kay kamatayan ang dala­wang kandidatong konsehal na mahigpit na magka­laban sa pulitika matapos na magbarilan sa bisinidad ng Ba­rangay Tabuc Suba sa bayan ng Jaro, Iloilo noong Lu­nes. Si Alejo Arellado na natalong barangay kon­sehal ay nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nasa West Visayas State University Medical Center sa Iloilo City habang si Nonito Jigona na na­nalong konsehal ay nasa Iloilo Mission Hospital. Ayon sa pulisya, naha­ha­rap sa kasong kriminal ang dalawa kabilang na ang pag­labag sa Comelec gun ban. Naganap ang barilan sa bisinidad ng Petalsville Subdivision kung saan nag-iinuman si Arellado kasama ang kanyang gru­po bunga ng pagkatalo sa katatapos na eleksyon nang dumaan ang grupo ni Jigona. Sa puntong ito ay nag­batian ang da­lawang grupo hanggang sa magka­asa­ran, magtalo na nauwi sa barilan sa pagitan nina Jigona at Arellado.

Show comments