Artificial coral reef ilulunsad

ZAMBALES, Philippines  – Ilulunsad ng Subic Bay Integrated Fisheries and Aquatic Resource Management Council (SB-IFARMC), ang proyektong concrete artificial reef sa karagatang sa­kop ng Zam­bales, Bataan, at Olongapo City sa Lunes (Oktubre 18).

Pinondohan ng Environmental Guarantee Fund mula sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang na­banggit na proyekto para sa mga komunidad na naapek­tuhan ng mga pag-unlad ng Subic Bay Free­port Zone.

Ayon kay Laureano DS Artagame, chairman ng SB-IFARMC, aabot sa 1,800 yunit ng culvert pyramid-type concrete blocks na bubuo sa 60 modules ang ilulubog sa ka­ragatang sakop ng bayan ng Subic at San Antonio sa Zamba­les, Morong, Bataan at sa Olongapo City.

Aabot naman sa P2.3 mil­yong halaga ang proyekto mula sa kabuuang P4-milyon na financial assistance mula sa SBMA para sa mga ma­ngingisda.

Sa pahayag ni SBMA Administrator Armand Arreza, ang financial assistance ay mula sa EGF na nakapaloob sa Environmental Compliance Certificates ng Subic Port project at Hanjin Shipyard project.

Show comments