Tsinoy trader kinidnap

MANILA, Philippines - Isa na namang negosyanteng Tsinoy ang dinukot ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Zamboanga City kamakalawa ng hapon. Kinilala ng hepe ang AFP-Western Mindanao na si Lt. Gen. Ben Mohammad Dolorfino, biktima na si Vinton So, 47, junkshop owner, ng Tomas Claudio Street sa nasabing lungsod. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pagdukot sa panulukan ng Barangay Sta. Maria sa nabanggit na lungsod kung saan isinakay ang biktima sa silver KIA Sportage (JBC 858).

Show comments