Treasurer utas sa bigong payroll robbery

BULACAN, Philippines — Napas­lang ang isang 53-anyos na treasurer ng munisipyo matapos na ratratin ng mga armadong lalaki ang sa­sak­yan nito sa bigong payroll robbery sa bahagi ng Ba­rangay Gaya-Gaya sa San Jose Del Monte City, Bula­can noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Fernando Villanueva, Bula­can police director ang napatay na si San Jose del Monte City Treasurer Este­lita Mendoza, 53. Ayon kay P/Supt. Edwin Quilates, pabalik na ng city hall si Mendoza kasama sina Ester Fontiveros, Fe Retuerto at drayber na si Joey Fernandez nang ma­ganap ang pananambang.

Nabatid na sinundan ng motorcycle-ring gunmen ang Toyota Innova (SKE­387) ng mga biktima mata­pos na mag-withdraw si Mendoza ng P2 milyon sa Land Bank of the Philippines sa Brgy. Tungko Mangga upang ipasahod sa mga kawani. Kaagad na pinaputukan ang gulong ng sasakyan at ang driver pero hindi ito tinamaan.

Minalas namang ta­maan sa batok at nasawi si Mendoza na katabi ng driver sa upuan. Nabigo naman matangay ang bag na naglalaman ng P2 milyong payroll. Boy Cruz at Joy Cantos

Show comments