Bomb instructor arestado

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pulisya at militar ang itinu­turing na instructor ng Moro Islamic Liberation Front rogue elements sa paggawa ng bomba matapos ma­aresto sa isinagawang operasyon sa Barangay Pagatin sa bayan ng Salibo, Maguindanao noong Lunes. Sumasailalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Hadji Abdul Maguid alyas Amir Abdul Majid. Si Maguid na kasapi ng 105th Based Command ng MILF ay na­aresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group at Army’s 603rd Infantry Brigades matapos magpalabas ng warrant of arrest si Judge Jaime Infante ng Alabel Regional Trial Court Branch 30 sa Sarangani kaugnay ng mga kasong kriminal.

Show comments