2 utas sa karambola ng 3 bike

ZAMBALES, Philippines   — Dalawa-katao ang iniulat nasawi habang isang pulis naman ang malubhang nasugatan matapos magbanggaan ang tatlong motorsiklo sa kahabaan highway ng Sitio Lawak, Brgy Amungan sa bayan ng Iba, Zam­bales noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang mga nasa­wi na sina Daryl C. Adona, 21; at Jonifer Dilag, 33 kapwa na­katira sa Barangay Bangantalinga, habang naisugod naman sa Pres. Ramon Magsaysay Memorial Hospital si SPO3 Edgar E. Ebuen, 51, Brgy Liozon sa bayan ng Palauig, Zam­ba­les. Sa ulat ni P/Senior Inspector Gilbert C. Diaz, hepe ng Iba PNP, lumilitaw na nag-overtake ang motorsiklo ni Di­lag sa motorsiklo ni SPO3 Ebuen kaya sumalpok sa mo­torsiklo ni Adona kung saan nagkarambola ang tatlo. Napag-alaman na kapwa walang plate number ang motorsiklo nina Adona at Dilag habang nawawala naman ang service firearm ni SPO3 Ebuen na sinasabing ninakaw ng mga na­ka­istambay na kalalakihan sa nabanggit na lugar.

Show comments