^

Probinsiya

Bolt cutter gang tiklo sa P1M robbery

- Ni Boy Cruz -

MALOLOS CITY, Bula­can, Philippines — Bumagsak sa mga elemento ng pulisya ang isa sa tatlong miyembro ng bolt cutter gang na respon­sable sa pagnanakaw ng mga mamahaling modelo ng mga cell phone at cash na aabot sa P1M sa isang shop sa ba­­yang ito kaha­pon ng ma­daling-araw.

Kinilala ni Provincial Director P/SSupt.Fernando Villanueva ang naarestong suspek na si Jimmy Salazar 24, binata, barker ng Malo­los Transport Terminal na katabi lamang ng niloobang Phone World Mobile Phone Shop sa naturang barangay.

Bandang alas-3 ng ma­daling-araw ng pasukin ng tatlong kawatan ang likurang bahagi ng establisimyento sa pamamagitan ng pagla­gay ng butas sa sementa­dong pader nito saka nilimas ang mga cell phone at pera sa loob ng shop.

Isang tindera naman ang nakakita sa paglabas ng mga suspek sa butas ng pader bunsod upang maki­lala ang mga ito at mai-report sa pulisya.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto kay Salazar habang patuloy ang pagtu­gis sa dalawa pa nitong ka­samahan.

vuukle comment

BANDANG

BULA

BUMAGSAK

FERNANDO VILLANUEVA

JIMMY SALAZAR

PHONE WORLD MOBILE PHONE SHOP

PROVINCIAL DIRECTOR P

SHY

TRANSPORT TERMINAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with