Mangingisda utas sa dinamita

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Nagkagutay-gutay ang katawan at namatay ang isang 36-anyos na mangingisda matapos sumabog ang hawak na dinamita habang nangingisda sa karagatan ng Barangay Buenasuerte sa bayan ng Pio V. Corpus sa Masbate kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jerry Gemen ng Sitio Malamag, Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan. Napag-alamang malimit gumamit ng dinamita ang biktima sa pangingisda hanggang sa makasalubong si kamatayan sa karagatan.

Show comments