Pulis inutas sa karinderya
BATANGAS , Philippines — Napatay ang isang pulis samantalang sugatan naman ang tatlong iba pa matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa bahagi ng Barangay 4 sa bayan ng Balayan, Batangas kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Chief Inspector Manuel Castillo, hepe ng Balayan PNP ang nasawi na si PO2 Reynaldo Macalaguim, 39, ng Nueve Street sa bayan ng Lian, Batangas.
Sugatan naman sina Richard Villarin, 42; John Paulo Rizara, 17, college student at si Mark Jonas Ilao, 23, kapwa nakatira sa Barangay Pooc sa nasabing bayan. Base sa imbestigasyon, nagkakape sa karinderya malapit sa palengke na sakop ng Plaza Mabini sina PO2 Macalaguim at Villarin nang lapitan at pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki bandang alas-10 ng gabi. Napag-alamang nakatakbo pa papalayo si Villarin pero hinabol at pinagbabaril hanggang sa madamay sina Rizara at Ilao na tinamaan ng ligaw ng bala habang naglalakad malapit sa karinderya. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya
- Latest
- Trending