P1.5 mil­yon holdap sa banko

MANILA, Philippines - Umaabot sa P1.5 mil­yong cash ang natangay ng dalawang armadong lalaki matapos holdapin ang bangko sa Jaro District, Iloilo City kama­ka­lawa.

Sa ulat ng pulis-Iloilo City na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-9:25 ng umaga nang pasukin at holdapin ang Rural Bank of Barotac Viejo Inc., sa Ba­rangay. Tabuc Suba.

Walang namang naga­wa ang mga kawani at guwar­diya na tinutukan ng baril at iginapos upang hin­­di ma­kapagresponde ang mga pulis.

Lumilitaw na pumasok ang mga suspek sa banko at tinutukan ng baril ang kahera na si Nonoy Cecille Tugbang at saka inutusan na buksan ang vault.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang pangho­holdap bago nagsitakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Leganes, Iloilo lulan ng itim na mo­torsiklo.

Nagsagawa na ng follow-up investigation ang pulisya.

Show comments