Pulis dedo sa ambus

PAMPANGA, Philippines—Kamatayan ang sumalubong sa isang pulis makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa highway ng Barangay Mountain View Gatiawin sa bayan ng Arayat, Pampanga kamakalawa ng gabi. Batay sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Arturo Cacdac, PNP regional director, kinilala ang napatay na si PO3 Jimmy Ba­­callo ng Mabalacat PNP. Kasalukuyang lulan ng motorsiklo ang biktima nang dikitan at ratratin ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo.Tumilapon sa motorsiklo ang biktima kung saan nilapitan pa ito at muling pinaputukan upang masigurong patay na.

Show comments