Mag-asawa kinatay

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Kalunus-lu­nos ang sinapit ng isang retiradong pulis at asawa nito makaraang matagpuan sa kanilang bahay na tadtad ng saksak sa kanilang mga kata­wan sa kanilang bahay sa Ba­rangay Dulong Bayan sa siyu­dad na ito kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Mariano Angeles, 65, at asawa nitong si Norma Angeles, 64, kapwa nakatira sa Sitio Linawan, Barangay Dulong Bayan.

Sa pagsisiyasat ng pulis­ya, walang pwersahan pagpa­sok sa bahay at hindi bababa sa 15 saksak ang tinamo ng bawat biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Pinaniniwalaang may ki­na­­laman sa pagpapalagay ng lalaking biktima sa isang right of way na malapit sa ka­­ nilang bahay ang motibo ng pamamaslang sa mag-asa­wa. Boy Cruz

Show comments