Stude dedo sa multicab

KIDAPAWAN CITY , Philippines  — Isang 21-anyos na Nursing student ang kumpirmadong nasawi makaraang mahagip ng multi-cab sa kahabaan ng highway sa Kidapawan City noong Sabado ng tanghali. Naisugod pa sa Kidapawan Doctors Hospital si Vernon Tar­do subalit makalipas ang ilang oras, ay namatay din ito dahil sa matinding head injury. Sa police report, lumilitaw na pauwi sa Barangay Tagbak sa bayan ng Magpet, North Co­tabato ang 4th year Nursing student ng North Valley College Foundation nang ma­bang­ga nito ang likurang ba­ha­gi ng Nissan pickup ni Joh­nel Malco, 38, kawani ng Asia Brewery. Bumagsak ang mo­torsiklo at tumilapon ang bik­tima sa gitna ng kalsada kung saan nasagasaan na­man ng multicab ni Augustine Labitos, 40, ng Brgy. New Ce­bu, President Roxas. Malu Manar

Show comments