Mag-asawa, bata dedo sa bomba

MANILA, Philippines - Nagutay ang katawan ng mag-asawa at isang 9-anyos na lalaki makaraan sumabog ang mortar sa pagawaan ng uling sa Barangay Kabingi sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao kamakalawa. Kinilala ang mag-asawang sina Saiden Untag, 18; Kuligi Untag, 16; at ang utol ni Saiden na si Tata. Batay sa ulat ni P/Senior Supt. Alex Linesses, sumabog ang B40 rocket propelled grenade matapos na mainitan sa paggawa ng uling. Joy Cantos

Show comments