Mangangaso pinugutan

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Malagim ang sinapit ng isang manga­ngaso matapos siyang pagtatagain at pugutan pa ng ulo sa kagubatan na nasasakupan ng Dupax Del Sur ng lalawigang ito ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Kinilala ni Dupax Police Chief Sr./Insp. Hector Mangaoang ang biktima na si Sandy Asislo, 38, re­sidente ng Barangay Biruk sa nasabing bayan.

Hinihinala ng pulisya na sangkot sa krimen ang tribung Bugkalot na nani­nirahan sa kagubatan at ipinaghihiganti ang isa nilang kalahi na unang napatay ng hindi pa naki­kilalang salarin. Victor Martin

Show comments