Magsasaka lasog sa granada

MANILA, Philippines - Nagutay ang katawan ng isang 38-anyos na magsasaka makaraang masabugan ng granada sa plantasyon ng tabako sa Barangay Villa Fugu, Aurora, Isabela noong Lunes ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Supt. Roberto Damian, police regional director, ang nasawi na si Rolly Galicia na nagawa pang maisugod sa ospital pero nabigo na itong maisalba.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na nag-aayos ng water pump ang biktima sa plantasyon ng tabako nang sumabog ang granada na tinamaan ng panghukay nito. Joy Cantos

Show comments