^

Probinsiya

Nanakit na guro inireklamo

-

SAMAL, Bataan, Philippines —Isang siyam na taong gulang na batang mag-aaral ang mala­mang na huminto sa kanyang klase kung hindi umano mabibig­yan ng ka­rampatang ka­parusahan ang kanyang guro na nang­hambalos sa kanyang kata­wan ng walis tambo sa loob ng kanilang silid-aralan sa Calaguiman Elementary School, Barangay Calagui­man, Samal, Bataan.

Nagkadurug-durog pa umano ang walis tambo ma­karaang walang puknat na ihambalos ito ng 62-anyos na gurong si Alicia Magta­nong sa biktimang si Eri­zaldy Bantay, grade 3 sa naturang paaralan.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na, noong Dis­yem­bre 10, nakapulot si Ban­tay ng isang sirang wall clock.

Binitbit ni Bantay ang wall clock sa loob ng kanilang silid-aralan bago niya ito initsa hanggang lumusot ito sa ilalim ng isang upuan.

Nagkataon namang nag­wawalis si Magtanong na nang makita ang wall clock ay sinita ang bata at ki­nompronta ito kung bakit sinira nito ang relo.

Kasunod nito, pinagha­hampas umano ng guro ng walis-tinting ang estud­yante sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

 Dahil sa takot ng bata at napahiya sa kanyang mga kaklase, hindi na ito puma­sok sa klase ang bata na kahit Christmas Party nila kahapon ay hindi na rin dumalo dahil sa takot sa kanyang guro.

Bumakat sa katawan ng biktima ang mga hampas ng suspek na siyang dahilan para magdemanda ang kan­yang mga magulang sa office of the prosecutor laban kay Magtanong.

Kasong paglabag sa R.A. 7610 (anti-child abuse law) at administrative ang isinampa laban sa guro dahil sa pana­nakit sa kanyang estu­dyan­te. Jonie Capalaran

vuukle comment

ALICIA MAGTA

BARANGAY CALAGUI

BINITBIT

BUMAKAT

CALAGUIMAN ELEMENTARY SCHOOL

CHRISTMAS PARTY

DAHIL

JONIE CAPALARAN

MAGTANONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with