^

Probinsiya

Shootout: 2 holdaper dedo

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines  — Dalawang kala­lakihan na sinasabing mi­yembro ng robbery-holdup gang ang iniulat na napa­tay makaraang makipagba­rilan sa pulisya sa bayan ng Carmona,Cavite kaha­pon ng madaling-araw.

Kasalukuyang binebe­ripika pa ang pagkikilanlan ng dalawa na pinanini­walaang nangholdap ng gasolinahan sa Barangay Mabuhay bandang alas-2:45 ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, natangay ng dalawa ang P800 ko­leksyong ng gasolinahang pag-aari ni Renato Benito ng San Pedro, Laguna at tumakas sakay ng motor­siklo patungo sa South­woods road.

Sa follow-up operation nasabat ng mga tauhan ng Regional Mobile Group (RMG-Region 4A) at Cavi­te police ang dalawa sa checkpoint na nauwi sa shootout.

Sinabi ni P/Chief Insp. Egbert Tibayan, na po­si­bleng miyembro ng no­toryus na grupong Royal Blood Gangsta ang dalawa na may operasyon sa Laguna at Cavite. Arnell Ozaeta, Cristina Timbang at Joy Cantos

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY MABUHAY

CAVITE

CHIEF INSP

CRISTINA TIMBANG

EGBERT TIBAYAN

JOY CANTOS

REGIONAL MOBILE GROUP

RENATO BENITO

ROYAL BLOOD GANGSTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with